Nakiisa ang buong hanay ng Ministry of Labour and Employment – BARMM o MOLE sa 18 na araw na kampanya laban sa pang-aabuso at karahasan sa kababaihan.

Ang aktibidad na nagumpisa kahapon, November 25 at tatagal hanggang Disyembre 12 ay tumututok sa pagpapabilis ng pagtugon at pagkilos sa patuloy na karahasan at pangaabuso sa kababaihan at nananawagan ito ng mabilis na aksyon para sa pagprotekta at pagsulong sa karapatan ng mga kababaihan sa buong bansa.

May tema ang aktibidad ngayong taon na: ” VAW Bigyang Wakas, Ngayon na ang Oras!”. Ngayong taon din ang ika 20th na anibersaryo ng pagpia sa batas na RA 9262 o ang Anti Violence against Women and Their Children act of 2004.

Sa hanay naman ng MOLE, kanila namang isusulong ang mahalagang gampanin ng mga babae sa lahat ng sektor kabilang na ang paggawa maging ang kanilang karapatan at proteksyon laban sa pangaabuso at karahasan sa kanilang hanay.