Nilinaw ng Komisyon sa Halalan o Commission on Elections sa pamumuno ng tagapamuno nito na si Chairman George Garcia na hindi deemed resigned o ipso facto resigned ang mga miyembro ng BTA o Bangsamoro Transition Authority na naghain ng kanilang kandidatura para sa First BARMM Parliamentary Elections sa susunod na taon.
Ani Garcia, miyembro pa rin ng BTA ang mga nagsipaghain ng kandidatura at hindi ito automatic resigned sa kanilang posisyon. Tinukoy ni Garcia partikular na ang nakasaad sa isang probisyon sa BOL o Bangsamoro Organic Law na mananatili sa kanilang pwesto o posisyon ang naitalaga na mga miyembro ng Parliamento kahit na ito ay nakapaghain na ng kanilang kandidatura para sa halalan.
Magugunitang nagsalita si Senate President Francis Escudero sa magiging kakahinatnan ng mga BTA Members na nagfile ng COC nitong nakaraang buwan para sa First BPE at sinabi nito na deemed resigned ang mga ito sa oras na sila ay naghain ng kanilang naising lumahok sa halalan ito man ay pang lokal o sa BPE 2025.