Agad na rumesponde sa naganap na rubbish fire kagabi sa Bormaheco Drive, Cotabato City ang mga kawani ng City Bureau of Fire at iba pang mga kawani ng pamatay sunog.
Rumesponde sa tawag ng isang nakatira sa lugar, mabilis na naapula nito ang apoy at hindi na nakapinsala pa ng mga kalapit na bahay o gusali.
Inaalam pa ngayon ng BFP Cotabato ang danyos na naitala sa nasabing sunog.