Yakap yakap ang ‘bib’ at ‘malong’ ng kanyang asawa’t anak nang humarap sa publiko ang Padre de Pamilya ng mag-inang walang awang tinambangan at pinaslang sa Brgy. Mileb, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur noong December 12, araw ng Huwebes.
Halos maluhang ibinahagi ni PFC Michael Basalo ang kanyang masalamuot na pinagdaraanan matapos paslangin ang kanyang mag-iina.
Si PFC Basalo ay kasapi ng 34th Infanty Battalion, 11th Infantry “Alakdan” Division ng Philippine Army.
Bilang isang ama at asawa aniya wala itong ibang hangad kundi makamit ang hustisya sa sinapit ng mag-iina nito.
Panawagan ng kawal sa mga otoridad kasunod ng isinagawang justice rally, na tulungan ito makamit ang agarang hustisya upang sa wakas ay matuldukan na ang kaharasan.
Nagpahayag ng kani-kanilang pakikidalamhati ang mga opisyales ng lalawigan ng Maguinadanao del Sur, Bangsamoro Parliament, maging ang mga kaanak ng biktima at mga mamamayan na nagsusulong ng kapayaan sa lugar.