Kinumpirma ng 1101st Infantry Brigade ang naganap na armadong engkuwentro na kinasangkutan ng mga tauhan ng 45th Infantry Battalion sa Basilan.

Ayon sa public statement ng 1101st Infantry Brigade, kasalukuyang ginagamot ang mga sugatang sundalo.

Patuloy namang sinusuri ng mga kinauukulang awtoridad ang mga pangyayari kaugnay ng insidente, habang nagpapatupad din ng mga hakbang pangseguridad upang maprotektahan ang mga sundalo at kalapit na komunidad.

Nanawagan din ang 1101th Infantry Brigade sa publiko at media na igalang ang pribasiya ng mga apektadong sundalo at kanilang pamilya habang tinutugunan ang kanilang kalagayan.

Hinimok din ang publiko na manatiling kalmado at mapagmatyag, at iwasang magbahagi ng mga hindi beripikadong ulat, larawan o impormasyon na maaaring maglagay sa panganib sa mga tauhan ng militar o magdulot ng hindi kinakailangang pangamba.

Patuloy namang naninindigan ang 1101th Infantry Brigade sa tungkulin nitong protektahan ang mamamayan at panatilihin ang kapayapaan at katatagan sa Basilan.