Asahan ang maulap na kalangitan na may mga pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM dahil sa umiiral na Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
Kabilang sa mga lugar na sakop ng weather outlook ang Tawi-Tawi, Lanao del Sur, Basilan, Maguindanao del Norte, Cotabato City at Maguindanao del Sur.
Posible ang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na makakaranas ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsang malalakas na pag-ulan.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at mag-ingat, lalo na ang mga nakatira sa mga lugar na madaling bahain at magkaroon ng pagguho ng lupa.

















