Dahil umano sa tinding selos nagawang pagsasaksakin ng isang lalake ang kanyang kalive-in partner sa Barangay Kiagot, Digos City, gabi ng sabado. December 14, 2024.

Sa ulat ng Digos City Police Office, sa kalagitnaan ng pagtatalo at tindi ng emosyon ng maglive-in ay dito na nagawang saksakin ng suspek ang kanyang kinakasama gamit ang kitchen knife.

Ayon sa mga kapitbahay nito, bago pa man nadiskubre ng otoridad ang duguan at wala nang buhay na katawan ng biktima narinig pa ng mga ito ang pagtatalo ng dalawa.

Sinubukan pa umanong tumakas ng suspek na bakas sa mga kamay ang krimeng ginawa ngunit hindi ito nagtagumpay at natunton din ng kapulisan.

Kulong na sa ngayon ang suspek habang pinag-aaralan pa ang kasong isasampa dito.