Mga bangag at naluto sa iligal na droga ang utak kung kayat napagtripan lang nila na pumatay at mamaslang.

Ito ang inihayag ni Sultan Kudarat Provincial Police Commander Col. Bernard Lao sa mga mamamahayag.

Ayon sa opisyal ng pulis probinsyal, nalaman nila base sa nakuhang telepono sa mga suspek ang motibo o layunin ng mga pamamaslang.

Sa ulat, dakong alas dos ng hapon ng Sabado, Enero 11 ng maaresto ang dalawang bangag na suspek sa bahagi ng Barangay Sangay sa bayan ng Kalamansig sa gitna ng matinding hot pursuit operations laban sa mga ito.

Papunta na daw aniya ang mga suspek sa direksyon patungong Palimbang ngunit natunugan na sila at positibo silang kinilala ng mga witnesses na nakipagtulungan na sa autoridad.

Kinilala ng kapulisan ang mga suspek na sina Sherwin “Otin-otin” Salgan na residente sa Palimbang at Mohalidin Nanding.

Nakuha sa mga ito ang isang kalibre 45 na pistola, isang 9mm na pistola, isang granada na dekamay at mga bala.

Nakatakda namang kasuhan ang dalawang bangag ng kasong pagpatay o murder ngayong linggo na ito. Kung maaalala, magkakasunod ang naging patayan sa magkatabing bayan ng Lebaknat Kalamansig noong Enero 9.

Unang naganap sa bayan ng Kalamansig ang pagpatay kunsaan magasawa ang tinarget ng mga halang na kaluluwang indibidwal habang ang pangalawa ay trip na lamang ng mga ito at ang napatay ditonay ang guro sa Notre Dame Salaman at Pamangkin nito sa bayan ng Lebak sa nasabing probinsya.