Unang araw pa lamang ng COMELEC Gun ban Implementation noong linggo ngunit nakapagtala na agad ng kaso ng pamamaril patay sa National Highway, Limbo sa bayan ng Sultan Kudarat Maguindanao Del Norte.

On the spot na patay ang biktima sa pamamaril na naganap alas-otso ng gabi, araw ng Linggo Enero 12.

Kinilala ang biktima na si Zulkarnain Mustapha na nagtatrabaho bilang construction worker at payong payong driver na taga Bagua Mother, Cotabato City. Salaysay ng mga nakasaksi, tahimik na naglalakad lamang ang biktima sa kalsada ng lapitan ito ng mga armado sabay barilin hanggang mapatay.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng SK PNP sa insidente.