Patay on the spot ang dalawang katao kabilang na ang isang miyembro ng BPT sa bahagi ng barangay Labu-labu Mother, Shariff Aguak Maguindanao del Sur kagabi, alas siete ayon sa mga ulat ng kapulisan.

Sugatan naman ang tatlong iba pa ng madaplisan ng ligaw na bala mula sa mga nagpaputok na suspek.

Batay sa ulat sa pulisya, pinagbabaril ang mga di pa nababatid ang pagkakakilanlan na mga biktima ng mga riding in tandem suspects.

Patuloy naman ang pagiimbestiga ng Shariff Aguak Police sa kaso ng panibago na namang pamamaril sa munisipalidad.

Nabatid na noong nakaraang linggo, isa ring BPAT Member at kasama nitong sibilyan ang binaril-patay sa dako ng Barangay Mother Poblacion.