Patuloy pa rin sa pag-iimbestiga ang Kabacan PNP at Cotabato Police Provincial Office sa mga posibleng motibo ng pamamaslang sa dating kapitan ng Brgy. Ugalingan sa Bayan ng Carmen na si Armando Lu Sr. alyas “Baby Lu”.

Napatay ang biktima habang minamaneho nito ang kanyang sasakyan kung saan damay at napatay din ang kanyang kinakasama sa national highway ng Brgy. Kayaga. February 10, 2025

Naniniwala naman ang mga kaanak ni ‘Baby Lu’ na hindi konektado o walang kaugnayan sa dati nitong tungkulin na kapitan ang motibo sa pamamaslang dahil matagal na itong retirado sa pulitika.

Mas malapit at pwede din aniyang motibo ay ang pagiging officer-in-charge o OIC nito ng Rural Transit Bus.

Matapos na mapatay, nawalan ng kontrol si Lu sa minamaneho nitong sasakyan sanhi upang bumulusok at tumagilid ang SUV nito.

Nagpapatuloy naman ang in-depth investigation ng PNP sa insidente.