Diumano’y binaril at tinadtad ng isang 70-anyos na mister ang kanyang 69-anyos na misis sa Barangay Sagay, Toledo City, Cebu, matapos nitong magsalita hinggil sa pagkakaroon ng ‘bulitas’ ng mister.

Sa naging panayam sa suspek na kinilala sa alyas na “Ferdie”, inamin na suspek na nagawa nito ang pamamaslang dahil sa tinding selos. Pag-aamin pa ni alyas “Ferdie” nagawa na rin nitong pagtaksilan ang kanyang asawa sa nakaraan at pinaniniwalaan nitong naghihiganti ang kanyang misis.

Matapos maisagawa ang krimen, tinangka pang tumakas ng suspek ngunit nahuli ito ng mga pulis sa kalapit na bayan.

Sa ngayon, nakakulong na sa lock-up cell ng Toledo City Police Station si alyas “Ferdie” at mahaharap siya sa kasong Frustrated Parricide.