Patay ang isang motoristang kinilalang si Jimuil Selarte matapos pagbabarilin sa bahagi ng national highway sa Barangay Lower Paatan, Kabacan, Cotabato madaling araw nitong Biyernes. Feb. 21, 2025
Sinasabing binabaybay ng nasabing biktima ang kabahaan ng highway, nang pagsapit nito sa lugar dito na walang habas na pinagbabaril ito dahilan upang mawalan siya ng kontrol sa kanyang minamanehong motorsiklo at bumulusok sa palayan.
Habang ang hindi pa nakikilalang suspek ay mabilis na tumakas sa pahilagang direksyon.
Sa ngayon, gumugulong pa iimbestigahan ng Kabacan PNP hinggil sa pagkakakilanlan at motibo ng suspek sa pamamaril.