Hihimas rehas ulit ang isang dugurista matapos masakote ng Cotabato City PNP Police Station 3 ang kinilalang si Abdulnasser Sabino, 38 anyos, isang laborer at Prk. Honeybee, Brgy. Poblacion 2 nitong lungsod.
Matagumpay na nasakote ang suspek sa ikinasang drug buybust operation ng kapulisan sa bahagi ng Parang Road, Prk. Salvacion, Brgy. RH 2, Cotabato City.
Nakumpiska sa posisyon ng suspek ang isang maliit na heat-sealed sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na tumitimbang na 0.3 grams na nagkakahalaga ng P500.
Napag-alamang dati nang bumabatak ng iligal na droga at dati nang nakulong sa parehong kaso noong taong 2017-2020 ang suspek.
Kakaharapin ni Sabino ang kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.