Naipakalat na ang dagdag pwersa ng Regional Mobile Force Battalion o RMFB 14-A bilang tugon sa madla at upang masigurong di na mauulit pa ang sunod sunod na tala ng patayan at mga karahasan sa siyudad ng Cotabato.
Sila ay kabilang sa mga makikita ninyo ngayon na pwersa ng kapulisang nakakalat ngayon sa iba’t ibang areas sa lungsod kabilang na ang mga kalsadahan at mga kanto upang mapawi ang pangamba ng bawat mamamayang Cotabateno.
Sinisigurado naman ngayon ng mga otoridad na hindi na mauulit pa ang mga karahasang naganap sa lungsod kamakailan hanggang sa matapos ang eleksyon sa lungsod.