Binisita ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian ang Bangsamoro Government bilang Chairperson ng EDCOM 2 o The Second Congressional Commission on Education ngayong araw, July 8, 2024.

Pinulong nito si BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim upang talakayin ang Education System ng Ministry of Basic Higher and Technical Education at iba pang isyu sa BARMM.

Ayon kay Gatchalian kabilang sa mga dapat pang pagbutihin ay pagsuporta sa ilang mga paaralan at punan ang kakulangan ng guro at pagresolba sa “Schoolless Barangays” sa rehiyon.

Sa naturang pulong nagkaroon din ng paglagda ng Data Sharing Agreement ang EDCOM 2 at ang Bangsamoro Government sa pamamagitan ng MBHTE.

Nagpasalamat din ang Senador kina BARMM Chief Minister Ebrahim at MBHTE Minister Mohagher Iqbal sa mainit na pagtanggap sa kanyang delegado at nangako sa patuloy na suporta sa Education System ng BARMM.