Isang ice cream company ngayon ang na hot seat matapos kunan ng video ng isang customer ang kanilangan panindang ice cream na kilala sa tawag na Chicecream o Zhong Xue Gai, at hindi natutunaw kahit na malapit sa apoy.

Ito ay kinilala bilang “Hermes of ice cream” dahil sa mataas na presyo nito.

Kahit na may kamahalan ang masabing ice cream, pero isa ito sa sikat at paborito ng mga Chinese.

Sinabing, sinubukan itong ilagay malapit sa apoy ng lighter, ngunit hindi ito natunaw at ito ay nagpalabas ng amoy na sunog na pagkain.

Ayon sa Shanghay Market Supervision ang Management Bureau, nakaabot na ito sa kanilang tanggapan at pinapaimbestigahan na ang nasabing trending video.

Pahayag naman ng kompanya, sunusunod nila ang regulation sa kanilang produkto, at ito ay nakasunod sa quality standard ng China’s National Authority.