Sa inilabas na resulta nf Special Professional Licensure Examination for Social Workers ng Professional Regulations Commission (PRC) na nilabas kahapon, nasurpresa ang lahat ng nakalagay ang mga katagang ” No one passed” at “Nothing follows”.

Ang Special Professional Licensure Examination for Social Workers ay isinagawa noong nakaraang Hunyo 16 at inilabas ang resulta, kahapon Hulyo 8.

Ito ay isinasagawa ng PRC sa mga gustong kumuha ng lisensya ngunit may mga extraordinaryong mga dahilan kagaya ng pagiging OFW o nagtatrabaho abroad.

Dalawa ( 2 ) ang kumuha ng ispesyal na eksaminasyon na ito at binigyan ng pagkakataon ng PRC mula sa Middle East at Singapore ngunit di nakapasa ang mga ito sa special licensure exams.