Dalawang lalaki ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon sa probinsya ng Sultan Kudarat nitong Huwebes Santo, Abril 17.

Unang nadakip ng mga pulis ng Columbio MPS ang isang 45-anyos na Street Level Individual sa isinagawang buy-bust operation pasado alas-4 ng madaling araw.

Nasamsam sa suspek ang 0.52 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P3,500.

Samantala, isang 43-anyos na laborer naman ang inaresto sa Brgy. Ala, Esperanza sa bisa ng search warrant.

Nakumpiska sa kanya ang isang kalibre .38 revolver na may tatlong bala.

Ang unang suspek ay sasampahan ng kasong may kaugnayan sa iligal na droga, habang ang ikalawa ay kakasuhan sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Giit ng pulisya, tuloy-tuloy ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga at mga taong may hawak na hindi lisensyadong armas.