Isang lalaki ang nakatakda pa ring mahuli matapos makatakas sa isinagawang operasyon ng Magpet Municipal Police Station (MPS) laban sa isang suspek na may kasong paglabag sa Gun Ban at illegal na droga sa Barangay Balite, Magpet, Cotabato.
Kinilala ang suspek sa alyas na ‘Ryan.’
Sa loob ng kanyang bahay, narekober ng mga awtoridad ang isang Caliber .38 revolver at isang sachet ng shabu.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay agad dinala sa North Cotabato Provincial Forensic Unit para sa karagdagang pagsusuri.
Patuloy na pinaghahanap ang suspek ng Magpet MPS upang harapin ang mga kasong kinahaharap nito.