Nasawi ang isang 50-anyos na driver sa Barangay Ladia, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte matapos pagsasaksakin sa leeg ng kanyang sariling asawa habang nakamasid lamang umano ang isa pa nitong kasama.
Kinilala ng Sultan Kudarat Maguindanao del Norte Police ang biktima na si Norodin Mustapha, habang ang mga suspek ay sina Baby Ana Biwang at Montasir Usop.
Sa ulat, si Biwang ang siyang nanaksak sa biktima habang si Usop ay naroon sa pinangyarihan ng krimen ngunit hindi umano tumulong.
Ayon sa kapatid ng biktima na nakasaksi sa insidente, tumakas ang mga suspek na may dalang duguang bolo.
Isinugod pa sa ospital si Mustapha ngunit binawian din ng buhay.
Samantala, parehong sumuko sa mga awtoridad ang mga suspek.