Tatlong batang pasyente pa rin ang nananatiling naka-admit sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) dahil sa dengue, batay sa tala noong Mayo 12, 2025. Wala namang adult patient na naka-confine sa ngayon.
Ayon sa ospital, mula Enero hanggang Mayo 8, umabot na sa 108 ang kabuuang bilang ng mga dengue patients na na-discharge. Tatlo naman ang naiulat na nasawi sa parehong panahon.
Pinakamaraming kaso ay nagmula sa Cotabato City (64), sinundan ng Maguindanao (23), habang may iisang kaso mula sa Lanao del Sur, at ilan pang mula sa North Cotabato, Sultan Kudarat, at iba pang lugar.
Paalala ng CRMC sa publiko: Ugaliing linisin ang kapaligiran at sirain ang mga posibleng pamugaran ng lamok upang makaiwas sa dengue.