Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin sa gilid ng National Highway sa Barangay Tunggol, Datu Montawal, Maguindanao del Sur, pasado alas-9:00 ng umaga ngayong Lunes, Mayo 26, 2025.

Kinilala ng Datu Montawal Municipal Police ang biktima na si Patrolman Jomar Kalantungan, taga Lumayong, Kayaga, Kabacan, Cotabato.

Agad isinugod si Kalantungan sa pinakamalapit na pagamutan sa pag-asang maisalba pa ang kanyang buhay, ngunit idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon, patuloy ang hot pursuit operation ng pulisya upang matukoy at madakip ang mga nasa likod ng pamamaril.