Tagumpay na maituturing ng Cotabato City Police Office ang kaliwat kanang operasyon na isinagawa ng mga ito sa loob ng isang linggo, sa mga petsang Agosto 12-18, ang mga araw kung kailan naisagawa ang Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operation o SACLEO sa lungsod.
Sa ulat ni City Director PCol. Joel Estaris, naikasa ang 14 na operasyon na kinabibilangan ng 6 na buybust kontra iligal na droga, isang anti smuggling, tatlong arrest warrant, isang loose firearm at isang search warrant.
Kaugnay sa naturang mga operasyon, lima ang naarestong sangkot sa bentahan ng droga, tatlong arresr warrant, isang loose fire arms at isang search warrant.
Sa kabuuan, .6551 na gramo ng tunay na metamphetamine hydrochloride o shabu at 1.7701 na gramo ng cannabis sativa o marijuana ang nakumpiska ng pulisya sa lungsod.
Patunay lamang ito na hindi nagpapabaya sa tungkuling magsilbi at prumutekta sa mamamayan ang kapulisan at upang maging maayos, mapatapa, matiwasay ang buong siyudad laban sa mga kriminalidad at karahasan.