Nagiging mas mabilis ang kilos ng Bagyong Emong habang patuloy itong lumalapit sa kalupaan ng Northern Luzon. Ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA ngayong 5:00 ng umaga, namataan ang mata ng bagyo sa baybaying bahagi ng Bangar, La Union.
Batay sa forecast track, inaasahang magla-landfall ito ngayong umaga sa alinman sa mga lalawigan ng Ilocos Sur o sa hilagang bahagi ng La Union.
Ayon pa sa PAGASA, posible nitong mapanatili ang kasalukuyang lakas sa oras ng paglapag nito sa lupa.
Patuloy na pinaaalalahanan ng ahensya ang mga residenteng nasa landas ng bagyo na maging alerto sa posibleng pagbaha, malalakas na pag-ulan, at pagbugso ng hangin.