Isang bahagi ng kalsada sa Barangay Katipunan ang bumigay at gumuho nitong Pebrero 22, dahilan upang magdulot ito ng pangamba sa mga motorista at residente sa lugar.

Batay sa isinagawang pagsusuri ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Maragusan, hindi ligtas na daanan ng malalaking sasakyan ang apektadong bahagi ng kalsada dahil sa pinsalang dulot ng pagguho.

Kaugnay nito, agad na nakipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan ng Maragusan sa Department of Public Works and Highways Region 11, gayundin sa Provincial Government ng Davao de Oro, upang matugunan sa lalong madaling panahon ang nasabing problema at maiwasan ang mas malalang abala sa mga biyahero.

Patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na mag-ingat at sumunod sa mga ipinatutupad na traffic advisories habang isinasagawa ang kaukulang hakbang para sa pagkukumpuni ng kalsada.