‎‎Nagpaabot ng pagbati ang Bangsamoro Federalist Party sa sambayanang Muslim kaugnay ng pagdiriwang ng Eid’l Adha, kasabay ng panawagan na isabuhay ang diwa ng sakripisyo, pagtitiis, at pagtitiwala sa Allah.‎‎

Sa mensahe ng BFP, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng pagiging mapagkalinga at makatao sa araw-araw na pamumuhay bilang bahagi ng diwa ng pagdiriwang.

‎‎Ipinahayag din nito ang hangaring maging makabuluhan ang paggunita sa Eid’l Adha para sa bawat pamilya, nawa’y mapuno ito ng kasiyahan, kapanatagan, at pag-asa para sa higit na maayos na kinabukasan ng sambayanang Muslim.‎‎

Binigyang-diin pa ng partido ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pagpapatatag ng komunidad at sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran para sa Bangsamoro.

‎‎Kasabay nito, nagpaabot ang Bangsamoro Federalist Party ng pagbati ng mapayapa at makabuluhang pagdiriwang ng Eid’l Adha sa buong Bangsamoro.‎