Ipinahayag ng Ministry of Health na opisyal nang Filariasis-Free ang buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Ito ay matapos ideklara ng World Health Organization at ng Department of Health noong nakaraang taon na wala nang naitatalang kaso ng Filariasis sa rehiyon.
Ayon kay MOH Minister Kadil Sinolinding Jr., malaking hakbang ito para sa sektor ng kalusugan sa Bangsamoro matapos maging suliranin ang naturang sakit sa nakalipas na mga dekada.
Ang Filariasis ay isang uri ng sakit na dulot ng parasitong naipapasa sa pamamagitan ng kagat ng lamok at maaaring magdulot ng Lymphatic Filariasis o mas kilalang Elephantiasis na sanhi ng matinding pamamaga ng ilang bahagi ng katawan.
Nagpasalamat naman ang MOH-BARMM sa mga barangay, local government units, healthcare workers, at mamamayan na nagtulungan upang makamit ang deklarasyong Filariasis-Free ang rehiyon.
Ayon sa ahensya, patuloy pa rin nilang palalakasin ang mga programa sa kalusugan upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko laban sa iba’t ibang uri ng nakahahawang sakit.
Home Local News BARMM, idineklarang filariasis-free ng World Health Organization at Department of Health

















