Nakaalerto ngayon ang buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos isailalim sa flash flood warning ang rehiyon ngayong Hulyo 17, 2025, dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Bagyong Crising.
Ayon sa abiso ng state weather bureau, kabilang ang BARMM sa 14 na rehiyon sa bansa na may mataas na posibilidad ng biglaang pagbaha, lalo na sa mga mabababang lugar at mga komunidad na malapit sa ilog.
Inaasahan pa ang mas malalakas na pag-ulan habang papalapit sa kalupaan ang nasabing bagyo.Sa ngayon, pinapayuhan na ang mga residente sa mga flood-prone areas na maghanda at lumikas agad kung kinakailangan.
Patuloy ding naka-monitor ang mga lokal na pamahalaan at disaster response teams sa bawat lalawigan ng BARMM upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Hinimok ng mga awtoridad ang publiko na manatiling alerto at sumubaybay sa mga opisyal na abiso kaugnay ng lagay ng panahon.