Isinasagawa ngayong umaga ng Sabado, August 15, 2026 ang Party Assembly ng Bangsamoro Federalist Party o BFP sa Gambar, Kabuntalan, Maguindanao del Norte.

Dumalo sa nasabing asembliya ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces o BIAF, gayundin ang mga miyembro, tagasuporta at sympathizers ng nasabing partido.

Kasama rin sa pagpupulong ang mga BFP Parliamentary District Candidates at Party Nominees.

Inaasahan ding manunumpa ngayong araw bilang bagong miyembro ng BFP si BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua, bilang pagpapahayag ng kanyang katapatan at suporta sa Bangsamoro Federalist Party.