Dumalo si MP Atty. Naguib Sinarimbo, kandidato para kinatawan ng 2nd district ng Cotabato City sa magkakasunod na pagpupulong mula noong Biyernes July 31 hanggang kahapon araw ng Sabado August 1, 2026 para sa lahat ng mga kandidato ng BFP sa iba’t ibang distrito, mga kandidato ng partido, at mga kandidato ng sektor para sa darating na halalan sa Setyembre 14, 2026.

Nakibahagi rin si Sinarimbo sa isang pagpupulong na ipinatawag ni Minister Von Al Haq kasama ang kanyang mga kasamahan sa J2 ng General Staff ng BIAF.

Muling nakasama ni Sinarimbo ang mga kasamahan ni Minister Von Al Haq, na dati na niyang nakatrabaho bilang kinatawan ng MILF sa Independent Commission on Policing sa negosasyon sa Kuala Lumpur, at sa JNC at JPSC matapos mapirmahan ang CAB.

Samantala, pinangunahan naman ng mga kasamahan ni Sinarimbo sa Partido, sa pamumuno ni Party President Doc Tomanda Antok, ang panunumpa ng mahigit 800 bagong miyembro ng BFP sa SGA-BARMM.

Kabilang sa mga bagong miyembro ang apat na alkalde, mga kapitan ng barangay, at mga kagawad mula sa kani-kanilang barangay.

Ginamit din ang pagkakataon ng presensya ng mga kandidato ng Partido mula sa iba’t ibang probinsya upang ipadala ang mga COMELEC compliant campaign poster ng Partido para sa kani-kanilang lalawigan.