Tiniyak ng isa sa mga tagapamuno ng BGC o ng Bangsamoro Grand Coalition na intact o buo pa rin sila kahit na naglabas ng desisyon ang kataas-taasang hukuman na tanggalin na sa puder ng rehiyon ng Bangsamoro ang lalawigan ng Sulu.
Ayon kay Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Mangudadatu na sya ring miyenbro ng UKB Al-Ittihad Party ng kanyang mister na si former Tesda DG Teng Mangudadatu, di nakaapekto sa kanilang grupo ang naging desisyon.
Ayon pa sa babaeng gobernador, di mapipigilan ng desisyon ang hangarin ng BGC na manilbihan sa bangsamoro bilang mga lingkod bayan nito.