Malugod na binati ni BARMM Chief Minister at concurrent MBHTE Minister Abdulraof Macacua ang 763 atletang Bangsamoro na lumahok sa 2026 Palarong Pambansa na ginanap sa lalawigan ng Agusan del Sur.

‎‎Pinuri ni Macacua ang ipinakitang husay at dedikasyon ng mga delegado matapos makapag-uwi ng iba’t ibang karangalan para sa rehiyon.‎‎

Partikular nitong ipinagbunyi ang pagkakasungkit ng unang gintong medalya ng BARMM sa larong Pencak Silat, na aniya’y patunay ng disiplina, galing at kahusayan ng mga atletang Bangsamoro.‎‎

Binigyang pagkilala rin nito ang mga magulang, coaches, trainers at iba pang tagasuporta ng mga atleta gayundin ang mga opisyal at kawani ng MBHTE-BARMM na naging katuwang sa masusing paghahanda ng delegasyon bago at habang isinasagawa ang pambansang palaro sa Agusan del Sur.

‎‎Ayon kay Macacua, mahalaga ang naging sakripisyo at suporta ng bawat isa sa paghubog ng kakayahan ng mga manlalarong Bangsamoro.‎‎

Sa huli, tiniyak ng Chief Minister na patuloy ang kanyang suporta at paggabay sa bawat laban na tatahakin ng mga atletang Bangsamoro tungo sa higit pang tagumpay at karangalan para sa BARMM.‎