Sumuko na sa pulisya ng Sultan Mastura ang dating board member ng Maguindanao na si Asnawi Limbona alyas Jojo.

Ang pagsuko ay kinumpirma sa mga mamamahayag ni Maguindanao Del Norte Police Director PCol. Sultan Salman Sapa.

Matatandaang nasampahan ng kaso si Limbona matapos na madawit ang kanyang pangalan sa nangyaring shootout sa Rosales St. Cotabato City na naganap noong Enero 2, 2024 matapos ang pakikipagpulong ni DOS Mayor Datu Lester Sinsuat sa kaniyang tiyo na si former BM Datu Ronnie Sinsuat.

Sinampahan ng kasong murder at attempted murder si Limbona kasama ang iba pa matapos na mapatay ang isang eskorte ni Mayor Sinsuat.