Isa na lamang ang nakatala sa listahan ng mga biktima ng Dengue Fever na nakaadmit sa Cotabato Regional and Medical Center o CRMC.
Ito ay base sa kanilang tala na inilabas as of October 11, 2024. Ang isang kaso ay galing pa sa PEDIA ward.
Sa kasalukuyan, 904 na ang nadischarge ng gumaling habang may 17 na pumanaw sa naturang sakit simula pa noong Enero 2024.
406 ng mga kaso ay galing sa Cotabato City, 407 sa Maguindanao, 10 sa Lanao Sur, 10 sa North Cotabato at 30 naman sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Paglilinis ng kapaligiran, pagaalis ng mga pinamumugaran at pagiingat laban sa lamok na nagdadala ng Dengue Virus ang ipinapayo ng CRMC upang makaiwas sa nakamamatay na sakit.