Nanawagan si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na huwag lamang limitahan sa mismong mga opisyal at kontraktor ang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects—kundi isama na rin ang kanilang mga kaanak sa lifestyle check.‎‎

Giit ng kalihim, kung sino man ang nakinabang sa iligal na transaksiyon, malinaw na bahagi rin sila ng anomalya.

Kaya’t dapat whole-of-government approach ang ilunsad, kung saan pangungunahan ng Bureau of Internal Revenue ang masusing pagbusisi sa financial records at ito’y agad na ibabahagi sa mga imbestigador.‎‎

Matatandaang desidido si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tukuyin at papanagutin ang mga nasa likod ng flood control scam na itinuturing ngayong isa sa pinakamalaking hamon sa transparency at good governance sa bansa.