Pormal nang sinimulan ng Bangsamoro Federalist Party o BFP ang kanilang kampanya matapos lumahok sa simultaneous regionwide campaign kickoff ng partido ngayong Sabado, Agugust 8, 2026 sa Municipality of Parang.
Dinumog ng mga residente ng Parang ang nasabing pagtitipon, kung saan kapansin-pansin ang mga tagasuporta na nakasuot ng kulay asul na siyang official color ng BFP bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa partido at sa mga adbokasiya nito para sa Bangsamoro.
Bukod sa mga tagasuporta, dumalo rin sa campaign kickoff ang mga BFP candidates para sa distrito at mga BFP party nominees na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pakikinig sa mga mamamayan at matalinong pagpili ng mga kandidatong kakatawan sa interes ng mga Bangsamoro.
Ipinaliwanag din ng mga kandidato ang kanilang mga adbokasiya at paninindigan para sa mga mamamayan, habang hinikayat ang mga botante na maging mapanuri sa pagpili ng mga ihahalal sa darating na halalan.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang BFP sa mga taga Parang sa ipinakitang suporta at pakikiisa sa unang araw ng kanilang masinsinan at tao-sa-taong kampanya para sa halalan.

















