Isang di na pinangalanang empleyado ng Cotabato City Hall ang tigbak sa pwesto matapos na magpositibo sa surprise drug testing ng PDEA sa lungsod.

Ayon kay Mayor Bruce, ang hakbang na ito mag silbi sanang babala sa mga empleyado ng siyudad na wag gumamit, magbenta o maging involved sa mga transaksyon na may kinalaman sa iligal na droga.

100 porsyento naman sa mga regular na empleyado ng city hall ay negatibo sa iligal na droga.

Umaasa naman ang alkalde na isusunod ng PDEA na surpresahin ng drug testing ang mga barangay officials.