DISMAYADO ang Filipino-American at High School Musical star Vanessa Hudgens sa paparazzi nang ibulgar ang mga larawan kung saan kasama nito ang kanyang pamilya at ang kanyang new born baby.

“We’re disappointed that our family’s privacy was disrespected and exploited during this very special time due to the greed of a long lens camera feeding the media,” ani Hudgens sa kanyang Instagram post.

Bago pa kasi i-anunsyo ng aktres ang kanyang matagumpay na panganganak nito sa kanilang panganay ni Cole Tucker, tila nauna nang i-anunsyo ito ng mga paparazzi.

“Despite all of that, Mom dad and baby are happy and healthy,” ani pa ng actress.

Una nang isinapubliko ni Vanessa Hudgens ang kanyang baby bump noong Marso nang umattend ito sa 96th Annual Academy Awards.