Sa kaunaunahang pagkakataon, nagsalita na si Former Cotabato City Mayor Cynthia Guiani Sayadi hinggil sa mga ipinapakalat na kasinungalingan diumano ni Mayor Bruce Matabalao sa kanya at sa kanyang pamangkin na si Cotabato City Councilor Japal Jayjay Guiani, Jr.
Tumagal ng halos 30 minutos ang FB live, hinimay nito ang aniya ay kasinungalingan na ipinapakalat ni Matabalao laban sa kanya at sa pamangkin nito.
Isa isa rin na sinagot ni Guiani ang mga ipinupukol na kasinungalingan ni Matabalao laban sa kaniya. Hindi na aniya niya kinayang manahimik dahil sya na mismo ang binabanatan ng naturang alkalde.
Maging ang pagkukumpara ng administrasyon ni Matabalao sa administrasyon ng dating alkalde ay di rin nito pinalampas maging ang mga paglapit din ni Matabalao kay Guiani ay kanya namang isiniwalat sa naturang FB live.
Hinggil naman sa usapin ng naging protesta ni Guiani laban sa alkalde, sinabi nito na si Matabalao ang maraming idinadakdak kumpara sa kanya na di nagsasalita at mas piniling manahimik na lamang.
Maging ang mga kapitan na diumano ay pinagaaway away ng alkalde ay inungkat din ni Guiani. Nagtapat noong 2022 elections si Guiani at Matabalao sa pagkaalkalde ng lungsod at muling magtatapat ngayong paparating na halalan 2025.