Pumanaw na sa edad na 94 kagabi ang kauna-unahang Babaeng Muslim na nakapasok sa Senado na si Senadora Santanina Tillah Rasul o mas tanyag sa pangalang Niña.

Si Rasul na taga Jolo sa lalawigan ng Sulu ay isa sa mga premyadong mambabatas na inukit sa pedestal ng senado ang Bangsamoro sa nasyonal at internasyonal na lebel.

Naging senador sa loob ng dalawang termino mula 1987 hanggang 1992 at 1992 hanggang 1995, nakagawa ng maraming batas si Senator Rasul na nagbenepisyo ang mga kababaihan ng bansa, maging ang mga kapatid na Muslim, mga pamilya maging ang pagkakapantay pantay sa bawat kasarian.

Dahil sa husay, kinilala ng mismong Senado si Rasul at ng Women and Gender Institute ng tanyag na Miriam College sa pagsusulong nito ng malayang demokrasya at pantay na pagtingin sa kasarian at naitalaga din ito bilang Honorary Ambassador ng UNESCO sa kasagsagan ng International Literacy Year noong taong 1990.

Isa sa mga anak ng dating mambabatas si Amina Rasul- Bernardo na tinangka ring maging senador noong 2004 ngunit natalo. Gaganapin ang pagdadala sa huling hantungan ng senador sa Taguig Mosque sa lalawigan ng Sulu. Inna lillahi wa inna ilayhi rajion.