Inside job.

Yan ang isa sa senaryo na tinignan ng pulisya sa panloloob ng pamamahay ng mag-asawang MP Atty. Sittie Fahanie Oyod at NIA Maguindanao Manager Engr.

Khoemieni Oyid matapos na mabukong aktibong sundalo na sya ring escorte ng pamilya ang sangkot o utak dito.

Sa naging press conference kahapon ng Cotabato City Police Office, kinilala nito ang utak o premyadong suspek sa panloloob na si Army Cpl. Saddam Mustapha ng 6ID, PA at ang tatlo pa nitong kasama na sina Marjun Nalud alyas Singkit na at-large, Badar Karon alyas Datu Kes na sumurrender at Fahad alyas Wawa.

Bukod pa rito, may mga kabilang sa sangkot sa krimen o mga accessories na sina Rodz Saro, alyas Jimmy, Tata Dinfan, Mendeng/Nendeng, Anna Adam, Mariam Musa Kasan, Jumong Bansil, Kirma at Amin.

ccto

Samantala narecovee naman dito ang limang motorsiklo ng ibat ibang uri, isang Devant 32 inch Smart TV, pera na nagkakahalaga ng 2.5 milyon at mga alahas.

Sa kabilang dako, nagpasalamat pa rin ang magasawang Oyod sa mga operatiba, City LGU, mga MILF Commanders maging sa Barangay LGU ng Bagua 2 na mabilis na tumulong sa pagresolba ng kaso.

Ipinagkaloob naman ng magasawa ang pabuyang 100,000 makaraang maipanawagan sa publiko ni MP Oyod ang nasabing krimen.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Military Police ng 6ID si Cpl. Mustapha para sa imbestigasyon habang hawak naman na ng lokal na pulisya ng lungsod sina Datu Kes at Rodz Saro.

Kung matatandaan, naganap ang panloloob noong Hulyo 30 base sa paunang tala ng pamilya habang nasa mahalagang lakad ang mga ito