Pinaiimbestigahan sa Kamara ngayon ang isyu ng iregularidad nang umano’y ‘misused of public funds’ o block grant at iba pang isyu na tinutukoy sa House Resolution (HR) 2199 sa Bangsamoro Government.
Kabilang sa mga isyung iimbestigahan ay ang napaulat na rekord ng bank deposits sa apat na daang (400) mga barangay sa Lanao del Sur kahit wala namang budget requests ang mga ito.
Nakasaad sa House Resolution 2199, na nagkakahalaga ng P500,000-P2,500,000 ang budget na naipasok sa bawat mga Lokal na Pamahalaan na nagmula umano sa opisina ng Chief Minister (OCM) na ipinabibigay sa mga tauhan ng nasabing opisina dahil ito raw ay para sa umano’y ‘special operations’.