Inilunsad ng National Irrigation Administration- Maguindanao Irrigation Management Office ang Kadiwa ng Pangulo, Murang Bigas mula kay BBM o Bagong Bayaning Magsasaka na isinagawa sa Rosales St. Rosary Heights 6 nitong lungsod.

Ayon kay Division Manager Engineer Khoimeni Oyod, ibebenta ang bigas sa halagang 29 pesos per kilo sa mga sektor na tinuturing na vulnerable tulad ng Seniors, PWD’s, Solo Parents maging ang mga benepisyaryo sa 4P’s.

Naglaan naman ng 500 sako ng tig 10 kilos na bigas ang NIA kung saan makakabili na ang mga benepisyaryo ng tigiisang sako na may halagang 290 pesos.

Dagdag ni Oyod, galing sa Rice Contract Farming Program ng NIA na isinusulong ng administrador nito na si Eduardo Gillen upang sumuporta sa mga magsasaka mula sa pagtatanim hanggang pagbebenta ng ani.

Mabibili na din sa NIA Maguindanao Kadiwa Store ang murang bigas na ito tuwing biyernes sa RH 6 sa lungsod.