Nagtaka si Cotabato City Councilor Hunyn Abu sa pag lalay-off ng higit kumulang 3,000 na Contract of Service Workers ng City LGU gayong kaya pa naman pala maswelduhan hanggang Disyembre 2024 ang iba sa mga ito.

Sa naging committee hearing ng Committee on Finance and Appropriations ngayong araw sa Session Hall ng Sangguniang Panglungsod, lubos na ipinagtaka ng babaeng mambabatas ang aniya ay minadaling pagtanggal sa mga COS gayong may mga ilan pa palang departamentong kaya na sahuran ang iba sa mga COS hanggang buwan ng disyembre.

Inihalimbawa na lamang dito ni Abu ang opisina ng City Tourism kung saan may mga COS na kaya pang swelduhan ng hanggang sa katapusan ng taon.

Ayon kay Abu, ito ang mga tanong na dapat ay sagutin ng mismong Local Finance Committee ngunit di ito dumadalo sa kanilang mga patawag.

Ikinadismaya naman ni Councilor Abu ang di na naman pagdalo ng mga department heads ng LGU sa kanilang patawag.