Inumpisahan na ang Local Disaster Risk Reduction and Management Plan Enhancement Workshop sa Apple Tree Hotel and Resort sa bayan ng Opol, Misamis Oriental na pinangungunahan ng UNICEF, Bangsamoro READi at ng lokal na pamahalaan ng Lanao del Sur kahapon Nobyembre 11 at tatagal ng hanggang Nobyembre 15.
Kabilang sa mga kalahok ang anim na munisipalidad sa Lanao del Sur na kinabibilangan ng Balindong, Buadiposo Buntong, Kapai, Piagapo, Taraka at Wao.
Layunin ng nasabing workshop ang mapaganda pa ang programming ng mga LGU sa DRRM sa paghihiglight ng DRRM for health o ang DRRM-H at ang edukasyon sa mga emerhensiya na may espesyal na kunsiderasyon sa sektor ng mga kabataan, mga bata at mga vulnerable.
Kasama sa mga participante mula sa LGU’s ang mga LDRRMO, MPDC, MLGOO, MSWDO, MHO’s at mga Budget Officers nito.
Sponsored ng UNICEF ang naturang workshop na katuwang din ang mga stakeholders kagaya ng Bangsamoro READi at ang MILG- BARMM at iba pang ahensya.
Nagsilbi namang mga lecturers sa naturang workshop ang mga technical personnels ng mga ahensyang kasali sa naturang event.