Dinumog ng libo-libong tagasuporta at volunteers ang District 3-HBM Volunteers Convention cum Kick-Off Campaign na ginanap ngayong araw ng Linggo, August 2, 2026 sa Cotabato Jamiat Covered Court sa Barangay MB Tamontaka, Cotabato City.
Pinangunahan ni Cotabato City 3rd District parliamentary candidate Prof. Hashim B. Manticayan ang aktibidad kasama ang mga volunteers at tagasuporta mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod.
Layunin ng pagtitipon na patatagin ang organisasyon ng mga volunteers at ihanda ang kanilang hanay para sa nalalapit na kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections.
Kabilang sa mga dumalo sa programa sina United Bangsamoro Justice Party (UBJP) Vice President at MILF Vice Chairman MP Mohagher M. Iqbal, UBJP nominee Mohammad S. Yacob, MP Atty. Lanang Ali Jr., iba pang opisyal ng partido, at mga UBJP sectoral candidates.
Isinagawa ang convention sa ilalim ng temang, “One HBM, One Mission, One Victory, One Solidarity.”

















