‎Nabigyan ng shelter kits kasunod ng mga pinsalang dulot ng lindol at sunog ang ahigit 80 pamilya sa Mati City.

‎‎Layunin ng inisyatibo na matulungan ang mga residente na muling makapagtayo ng ligtas at matibay na tirahan.‎‎

Kasabay nito, inilunsad din ang programang pangkabuhayan na nakatuon sa digital skills upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na kita.‎‎

Dalawampu’t anim na indibidwal, kabilang ang mga magulang, kawani ng gobyerno, at senior citizens, ang sinanay bilang digital ambassadors.‎‎

Tinuturuan ang mga ito na magpatakbo ng maliliit na digital retail business tulad ng mobile loading at iba pang serbisyong online.‎‎

Kabilang din sa pagsasanay ang kaalaman sa mobile commerce, financial management, at entrepreneurship upang magkaroon ng pangmatagalang pagkakakitaan.

‎‎Isinagawa rin ang information drive hinggil sa online safety, data privacy, at responsableng paggamit ng teknolohiya.‎‎

Pinagtibay din ang kampanya laban sa online sexual abuse at exploitation ng mga bata upang maprotektahan ang mga vulnerable na sektor.

‎‎Ayon sa lokal na pamahalaan, mahalaga ang pagsasabay ng disaster response at digital education upang mas maging matatag ang komunidad sa hinaharap.‎‎

Naging posible ang programa sa tulong ng donasyon ng mahigit 200,000 subscribers at suporta ng lokal na pamahalaan ng Mati.‎‎

Ang inisyatibo ay pinangunahan ng Globe, Ayala Foundation, at Makati Development Corporation bilang bahagi ng kanilang community development efforts.