‎Inihanda ang house and lot, condominium unit, sasakyan at iba pang premyo para sa G Raffle Rush na bahagi ng 917 GDay 2026.
‎
‎Kabilang sa mga pangunahing premyo ang isang Avida house and lot, one-bedroom Avida condominium unit at BYD Atto 2 DM-i Premium na sasakyan.
‎
‎May nakalaan ding hanggang P20,000 halaga ng food at shopping vouchers, libreng movie tickets sa loob ng isang taon, P50,000 halaga ng vouchers para sa kuryente, gasolina at grocery, at P50,000 GCash credits.
‎
‎Kasama rin sa mga premyo ang 5G devices, Mabuhay Miles, smart home appliances at iba pang rewards mula sa mga partner ng Globe Telecom.
‎
‎Ayon sa Globe, maaaring makakuha ng raffle entries ang mga customer sa pamamagitan ng pag-redeem ng kanilang Rewards points gamit ang GlobeOne app.
‎
‎Nakabatay sa dami ng Rewards points na ire-redeem ang bilang ng raffle entries na maaaring makuha ng isang customer.
‎
‎Bahagi ang G Raffle Rush ng 917 GDay 2026 campaign na may temang “Love Overload.”
‎
‎Ayon kay Globe Chief Marketing Officer KD Dizon, layunin ng programa na magbigay ng rewards sa mga customer bilang bahagi ng selebrasyon ng GDay 2026.