Solido at mananatili pa rin ang tandem nina Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Mangudadatu at Vice Governor Nathaniel Midtimbang sa susunod na taong halalan.

Ito ang naging tugon ni Mangudadatu sa naging pressconference nito sa General Santos City sa tanong na kung sino ang magpapatuloy ng mga napagtagumpayan nito sa nakalipas na mga taon lalo na sa pangkapayapaan at pag-unlad ng probinsya.

Sinabi ng gobernadora na solido din ang linyada nito mula sa kanila ni VG Midtimbang hanggang sa mga kasapi nito sa Sangguniang Panlalawigan.

Aniya, sila-sila at walang nagbago sa kanyang line up para sa darating na halalan at hangad nito na manatiling maunlad ang probinsya at tuluyan nang mabago ang imahen nito patungo sa mapayapa at maunlad na probinsya.